Nasa ibaba ang aming Patakaran Sa Privacy. Mahaba ito, pero mainam na basahin ito dahil ipinapaliwanag dito kung paano namin ginagamit ang personal na impormasyon mo. Gusto naming maipaliwanag nang mabuti kung ano ang personal na impormasyon na pinoproseso namin para sa Among Us at aming website.
Among Us:
- Para maprotektahan ang aming mga user na bata, ginagamit namin ang iyong petsa ng kapanganakan, bansa, at IP address para maberipika kung isa kang bata.
- Para makagawa ng account, kokolektahin namin ang iyong username, IP address, at email address. Kung isa kang user na bata, ipapadala namin ang email ng iyong magulang sa Kids Web Services, para maitakda ng magulang mo ang iyong mga pahintulot kaugnay ng personal na impormasyon para sa aming laro.
- Para mai-link ang iyong account sa isa pang account sa platform ng laro, gagamitin namin ang iyong username at mga online ID, at sa ilang kaso, ang iyong IP address at email address.
- Kung bibili ka ng isang bagay sa mismong laro, posibleng makatanggap kami ng karagdagang personal na impormasyon para maisagawa ang mga pagbiling iyon gaya ng iyong pangalan, address, at impormasyon sa pagbabayad.
- Kung nasa lobby ka kapag iniulat ka ng ibang user dahil sa mga paglabag sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit o iba pang hindi naaangkop na gawi, posibleng i-store ang iyong username, IP address, at impormasyon ng paglalaro para sa mga layunin ng pangangasiwa.
- Kung makikipag-ugnayan ka sa amin nang direkta, posibleng gamitin namin ang impormasyong iyon para tumulong na ayusin ang problemang iniulat.
- Hindi kami nangongolekta ng anumang sensitibong impormasyon mula sa iyo, gaya ng iyong eksaktong geolocation, o nagbebenta o nagbabahagi ng iyong personal na impormasyon para sa mga layunin ng mga ad o pag-profile.
- Huwag maglagay ng pribadong impormasyon sa username o chat mo. Posibleng may gumamit o mag-save dito kahit na hindi namin ito gawin.
Website:
- Kung may bibilhin ka sa aming website, gagamitin namin ang pangalan, postal address, numero ng telepono, email address, impormasyon ng pagbabayad, at history ng pagbili mo para makumpleto ang mga order na iyon.
- Kung magsa-sign up ka para sa aming marketing newsletter, gagamitin namin ang email address na ibibigay mo.
- Kung makikipag-ugnayan ka sa amin nang direkta, posibleng gamitin namin ang ibinigay na impormasyon para tumulong na ayusin ang problemang iniulat.
Patakaran sa Pagkapribado at Abiso sa Pagkolekta
Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Hulyo 1, 2023
Ang Innersloth LLC, isang kompanyang may limitadong pananagutan sa Washington (“kami,” “amin,” “namin,” at ang mga katulad nito) ay nagbibigay sa mga website, kabilang na ang www.innersloth.com at mga subdomain nito (nang sama-sama, ang “Website”), ng videogame na kilala bilang “Among Us” (ang “Laro”), at iba pang online na serbisyo (nang sama-sama, kabilang ang Website at ang Laro, ang “Mga Serbisyo”).
1. Ano ang sinasaklaw ng Patakarang ito?
Itinatakda ng Patakaran sa Pagkapribado at Abiso sa Pagkolekta na ito (ang “Patakaran” na ito) kung paano namin kinokolekta, ginagamit, pinoprotektahan, sino-store, inilalahad, at kung hindi man ay pinoproseso ang iyong Personal na Impormasyon (inilalarawan sa ibaba). Dahil hindi kami nagpoproseso ng anumang Personal na Impormasyon para sa aming mga videogame na tinatawag na “Dig2China,” “Henry Stickmin Collection,” at “Among Us VR,” hindi sinasaklaw ng Patakarang ito ang mga larong iyon. Dapat mong suriin ang Patakaran sa Pagkapribado ng Schell Games para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano ito nangongolekta, ginagamit, at ibinabahagi ng Personal na Impormasyong nakukuha at ginagamit nito para sa “Among Us VR.”
HINDI rin nalalapat ang Patakarang ito sa impormasyong ibibigay mo sa anumang third party o kinokolekta ng sinumang third party (maliban kung iba ang nakasaad sa ibaba).
Sa pamamagitan ng paggamit sa aming Mga Serbisyo, kinukumpirma mong sapat kang nakakaunawa ng Ingles para maintindihan ang Patakarang ito. Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Patakarang ito, makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa [email protected] o pag-mail ng iyong mga tanong sa Innersloth LLC, PO Box 2532, Redmond, WA 98073, USA.
2. Paano namin pinoproseso ang Personal na Impormasyon ng Mga Bata?
Ang “Bata” ay isang taong wala pa sa edad na kinakailangan para makapagbigay ng pahintulot sa pagpoproseso ng Personal na Impormasyon sa kanyang tinitirhang bansa (halimbawa, 13 taong gulang sa Estados Unidos at sa pagitan ng 13 at 16 na taong gulang sa European Union). Tingnan sa ibaba ang isang buod ng aming mga kagawian kaugnay ng pangongolekta ng Personal na Impormasyon mula sa Mga Bata at sa paggamit at paglahad ng naturang impormasyon.
Quick-Chat Mode
Kung tutukuyin ng isang user ng aming Laro ang kanyang sarili o matutukoy namin siya na isang Bata (ang bawat isa ay tatawaging “User na Bata”), awtomatikong itatakda ang kanyang karanasan sa paglalaro sa “Quick-Chat Mode,” maliban na lang kung iba ang pinapahintulutan ng magulang o legal na tagapag-alaga ng Bata. Ang Mga User na Bata na nasa Quick-Chat Mode ay pinaghihigpitan sa pakikipag-ugnayan sa o kung hindi man ay pagsasapubliko ng kanilang Personal na Impormasyon sa iba pang user ng aming Laro. Makakagamit lang ang Mga User na Bata ng hanaya ng mga nakatakdang parirala para makipag-ugnayan sa iba pang user sa Quick-Chat Mode at hindi sila magkakaroon ng mga link sa social media sa aming Laro. Idinisenyo ang bawat isa sa mga feature na ito para malimitahan ang aming access at ang access ng iba pang user ng aming Laro sa Personal na Impormasyon ng Mga User na Bata alinsunod sa Children’s Online Privacy Protection Act ng 1998 at mga panuntunan nito (“COPPA”).
Mga Account
Ang Mga User na Bata ay puwedeng magrehistro ng account sa amin gamit ang isang proseso ng pagpaparehistro na pareho sa ginagamit ng mga nasa hustong gulang; gayunpaman, bilang pagsunod sa COPPA, mapapailalim muna ang Mga User na Bata sa isang proseso ng pagbibigay-abiso ng magulang at naberipikang pahintulot ng magulang. Para masimulan ang pagpaparehistro at proseso ng pahintulot para sa User na Bata, nangongolekta kami ng email address ng magulag o legal na tagapag-alaga. Awtomatiko kaming bubuo ng mga naka-random na username para sa mga rehistradong User na Bata, maliban na lang kung bibigyan ng magulang o legal na tagapag-alaga ang User na Bata ng pahintulot na gumawa ng custom na username.
Ang Mga User na Bata na gumagamit ng Apple o Google family sharing account ay hindi pinapayagang magrehistro ng isa pang account sa amin at napapailalim sila sa pinakamahihigpit na setting sa pagkapribado sa Laro.
Paggamit at Paglalahad
Ang Personal na Impormasyong kinokolekta namin mula sa o tungkol sa Mga User na Bata ay ginagamit para mabigyan sila ng access sa ilang partikular na feature ng aming Laro at para sa pakikipag-ugnayan sa isang magulang o legal na tagapag-alaga tungkol sa pagpaparehistro ng User na Bata, kabilang para sa layunin ng pagberipika ng kanilang impormasyon kaugnay ng pagpaparehistro. Hindi namin ibinabahagi o kung hindi man ay inilalahad ang Personal na Impormasyon ng Mga User na Bata, maliban kung (1) kinakailangan para maprotektahan ang kaligtasan ng isang Bata, kabilang na sa pamamagitan ng paghahayag ng kanilang Personal na Impormasyon, kung saan naaangkop, sa mga ahensya sa pagpapatupad ng batas o para sa isang pagsisiyasat na nauugnay sa pampublikong kaligtasan; (2) para mabigyang-daan kaming makapagsagawa ng mga pag-iingat laban sa pananagutan; (3) para maprotektahan ang integridad, kaligtasan, at seguridad ng aming Laro; o (4) kung kinakailangan ayon sa batas o legal na proseso.
Puwede kaming mangolekta at ang mga third-party na provider ng serbisyo na nakalista sa ibaba o di kaya ay magpanatili ng Personal na Impormasyon ng Mga User na Bata sa pamamagitan ng aming Laro. Dapat mong suriin ang mga patakaran sa pagkapribado ng mga ito na naka-link sa ibaba.
- Kids Web Services (isang provider ng pangangasiwa sa pahintulot ng magulang at legal na tagapag-alaga);
- Zendesk, Inc. at Keywords Studios Plc (ang bawat isa ay provider ng serbisyo ng suporta sa player);
- ModSquad, Inc. (isang provider ng serbisyo sa pag-moderate); at
- Epic Games, Inc. (sa kapasidad nito bilang isang backend na provider ng serbisyo (halimbawa, para sa pamamahala at pag-link ng account)).
Kapag pumayag ang magulang o legal na tagapag-alaga na pahintulutan ang pag-link ng account ng User na Bata sa alinman sa mga third party na digital content store sa ibaba at mga platform ng laro, posibleng matanggap namin ang Personal na Impormasyon ng naturang User na Bata sa pamamagitan ng aming Laro. Dapat mong suriin ang mga patakaran sa pagkapribado ng mga ito sa ibaba.
- Itch Corp.;
- Epic Games, Inc.;
- Google LLC;
- Microsoft Corp.;
- Apple Inc.;
- Valve Corp.;
- Sony Interactive Entertainment LLC; at
- Nintendo of America Inc.
Makipag-ugnayan sa amin kaugnay ng mga tanong tungkol sa mga patakaran sa pagkapribado ng aming mga provider ng serbisyo at sa aming mga kagawian sa pangongolekta at paggamit sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa [email protected] gamit ang subject line na Pagkapribado ng Mga Bata” o pag-mail ng iyong hiling sa Innersloth LLC, PO Box 2532, Redmond, WA 98073, USA.
Anumang oras, magagawa ng isang magulang o legal na tagapag-alaga na suriin ang Personal na Impormasyon ng kanilang Anak na iniimbak namin, atasan kaming iwasto o burahin ang naturang Personal na Impormasyon, hilingin na burahin namin ang account ng kanilang Anak, at/o tumangging pahintulutan kaming mangolekta o gumamit pa ng Personal na Impormasyon ng kanilang Anak sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin gamit ang email o mailing address na ibinigay sa itaas. Para maprotektahan ang pagkapribado at seguridad ng mga magulang at legal na tagapag-alaga, at ang pagkapribado at seguridad ng Mga User na Bata, posibleng atasan namin ang magulang o legal na tagapag-alaga na magsagawa ng ilang partikular na hakbang o magbigay ng karagdagang impormasyon, na mahigpit naming papanatilihing kumpidensyal, para maberipika ang kanilang pagkakakilanlan bago kami magbigay ng anumang impormasyon tungkol sa Bata o bago namin isagawa ang mga hinihiling na pagkilos.
Kids Web Services
Ang aming Laro ay ibinibigay at pinapangasiwaan namin. Gayunpaman, ang ilang functionality ng aming Laro, kabilang na ang portal ng magulang at pakikipag-ugnayan sa mga magulang para sa mga layunin ng pagkuha ng naberipikang pahintulot ng magulang at pagbibigay-alam sa mga magulang tungkol sa mga online na aktibidad ng kanilang User na Bata, ay pinapangasiwaan ng Kids Web Services (“KWS”). Puwede mong direktang makaugnayan ang Kids Web Services sa [email protected] para sa anumang tanong na nauugnay sa paggamit nila ng Personal na Impormasyon. Makikita rito ang patakaran sa pagkapribado para sa KWS.
Partikular na idinisenyo ang KWS para maihatid ang mga pagpaparehistro at digital na karanasan na angkop sa bata, pati na ang mga tool ng magulang para sa pamamahala, sa buong web at mobile ecosystem alinsunod sa COPPA at Regulasyon (EU) 2016/679 ng European Parliament at ng Konseho noong 27 Abril 2016 (Regulasyon sa Pangkalahatang Proteksyon ng Data). Ang KWS ay sinertipikahan ng kidSAFE Seal Program, isang COPPA Safe Harbor Program na aprubado ng FTC, bilang nakakasunod sa COPPA. Ang kidSAFE Seal Program ay isang independiyenteng serbisyong nagbibigay ng sertipikasyon sa kaligtasan at seal-of-approval na programang idinisenyo nang eksklusibo para sa mga website at teknolohiya na angkop sa mga bata, kabilang ang mga site ng laro na nakatuon sa bata, mga edukasyonal na serbisyo, mga virtual world, social network, mobile app, nakakonektang produkto, at iba pang katulad na mga interaktibong serbisyo at teknolohiya. Pindutin ang seal o pumunta sa www.kidsafeseal.com para sa higit pang impormasyon. Para matuto pa tungkol sa COPPA, puwede mo ring konsultahin ang simpleng isang pahinang gabay na ito na nagbibigay ng impormasyon mula sa kidSAFE Seal Program: www.kidsafeseal.com/knowaboutcoppa.html.
Ang KWS ay isa ring valid na licensee, at miyembro, ng Privacy Certified Program ng Entertainment Software Rating Board (“ESRB Privacy Certified”). Para protektahan ang privacy mo, boluntaryong sinimulan ng KWS ang layunin sa privacy na ito, at sinuri ng ESRB Privacy Certified ang mga serbisyo nito para matugunan ang binuong mga kasanayan sa pangongolekta, paggamit, at pag-disclose ng online na impormasyon. Bilang licensee ng programa sa privacy na ito, napapailalim ang mga serbisyo ng KWS sa mga pag-audit at iba pang mekanismo sa pagpapatupad at accountability na hiwalay na isinasagawa ng ESRB Privacy Certified.
3. Anong mga kategorya ng Personal na Impormasyon ang kinokolekta namin?
Posibleng mangolekta kami ng iba’t ibang uri ng impormasyon mula sa iyo depende sa kung paano mo ginagamit ang aming Mga Serbisyo, kabilang ang Personal na Impormasyon. Ang “Personal na Impormasyon” ay tumutukoy sa impormasyong nauugnay sa isang natukoy o natutukoy na tao. Nakalista sa ibaba ang mga kategorya ng Personal na Impormasyong posible naming kolektahin. Posibleng mapabilang sa mahigit isang kategorya ang ilang partikular na uri ng Personal na Impormasyon.
Kategorya | Personal na Impormasyon | Mga Layunin (tingnan ang Seksyon 6 sa ibaba para sa mga karagdagang layunin) |
Mga Pantukoy | Pangalan at apelyido | “– Para makumpleto ang mga pagbili ng merchandise sa aming Website – Para masagot ang mga tanong mo o mga tanong ng magulang o legal na tagapag-alaga | ”
Postal address | – Para makumpleto ang mga pagbili ng merchandise sa aming Website | |
Username | “– Para makagawa ng account para sa aming Laro – Para makapaglaro – Para ma-link ang iyong Game account sa isa pang account sa platform ng laro – Para masubaybayan at matugunan ang hindi naaangkop o iniuulat na pag-uugali sa Laro – Para mapaganda ang aming Laro – Para maipakita ang listahan ng mga kaibigan mo sa Laro – Para makapagpadala ng mga imbitasyon sa iyong mga kaibigan na laruin ang aming Laro | ”|
Natatangi o online ID (gaya ng account ID, support ticket ID, o third party ID) | “– Para masagot ang iyong mga tanong – Para sa pagberipika ng magulang o legal na tagapag-alaga – Para matukoy ang iyong mga pahintulot bilang User na Bata – Para ma-link ang iyong Game account sa isa pang account sa platform ng laro – Para ma-link ang iyong Game account sa iba mo pang mga ID – Para makapagpadala ng mga imbitasyon sa mga kaibigan mo na laruin ang aming Laro | ”|
Internet Protocol address | “– Para makagawa ng account para sa aming Laro – Para makapaglaro – Para sa mga pagbili ng key – Para maberipika kung isa kang User na Bata – Para masagot ang mga tanong mo – Para masubaybayan at matugunan ang mga hindi naaangkop o iniuulat na pag-uugalisa Laro – Para makatugon sa mga hiling ng tagapagpatupad ng batas – Para ma-link ang iyong Game account sa iyong Apple account – Para mapahusay ang aming Laro – Para makapagbigay ng analytics ng Laro | ”|
Mga Device ID at impormasyon ng device | “– Para makapagbigay ng account para sa aming Laro – Para makapagbigay ng analytics ng Laro – Para masagot ang mga tanong mo – Para mapahusay ang aming Laro | ”|
Email address | “– Para makagawa ng account para sa aming Laro – Para makumpleto ang mga pagbili ng merchandise sa aming Website – Para mai-market ang aming Mga Serbisyo kapag nag-sign up ka sa aming Website – Para masagot ang iyong mga tanong – Para sa mga pagbili ng key – Para masuportahan ang mga user ng Itch Corp. – Para payagan ang isang magulang o legal na tagapag-alaga na pamahalaan ang mga setting ng pagkapribado para sa kanilang User na Bata | ”|
Mga katangian ng protektadong klasipikasyon sa ilalim ng batas ng California o pederal na batas | Petsa ng kapanganakan | – Para maberipika kung isa kang User na Bata o hindi |
Pangkomersyong impormasyon | Impormasyon sa pagbabayad | “– Para makumpleto ang mga pagbili ng merchandise sa aming Website – Para sa mga pagbili ng key | ”
Kasaysayan ng pagbili | “– Para makumpleto ang mga pagbili ng merchandise sa aming Website – Para makumpleto ang mga pagbili sa Laro sa lahat ng platform ng laro – Para masagot ang mga tanong mo – Para mapahusay ang aming Laro – Para makapagbigay ng analytics ng Laro | ”|
Aktibidad sa internet o iba pang katulad na aktibidad sa network | Pakikipag-ugnayan sa aming Website | – Para mapahusay ang aming Website |
Impormasyon ng paglalaro | “– Para mapahusay ang aming Laro – Para makapaglaro – Para masubaybayan ang hindi naaangkop na pag-uugali sa Laro | ”|
Data ng geolocation | Hindi eksaktong geolocation | “– Para sa mga pagbili ng key – Para makapagbigay ng analytics ng Laro | ”
Zip code | “– Para makumpleto ang mga pagbili sa Laro – Para masagot ang mga tanong mo | ”|
Lungsod | “– Para makumpleto ang mga pagbili sa Laro – Para masagot ang mga tanong mo | ”|
Estado o bansa | “– Para makumpleto ang mga pagbili sa Laro – Para masagot ang mga tanong mo – Para mapahusay ang aming Laro – Para maberipika kung isa kang User na Bata o hindi | ”|
Mga kategorya ng Personal na Impormasyon na nakalista sa batas sa Mga Tala ng Customer sa California (Cal. Civ. Code § 1798.80(e)) | Pangalan at apelyido | “– Para makumpleto ang mga pagbili ng merchandise sa aming Website – Para masagot ang mga tanong mo o mga tanong ng magulang o legal na tagapag-alaga | ”
Postal address | – Para makumpleto ang mga pagbili ng merchandise sa aming Website | |
Numero ng telepono | – Para makumpleto ang mga pagbili ng merchandise sa aming Website | |
Impormasyon sa pagbabayad | “– Para makumpleto ang mga pagbili ng merchandise sa aming Website – Para sa mga pagbili ng key | ”|
Iba pa | Impormasyon mula sa content na ibinabahagi mo sa publiko sa aming Laro sa pamamagitan ng mga pampublikong function o sa aming mga account sa social media (gaya ng Discord, Twitch, TikTok, Twitter, Facebook, at Instagram) | “– Para makapaglaro – Para masubaybayan ang hindi naaangkop na pag-uugali sa Laro – Para masagot ang mga tanong mo – Para sa outreach sa komunidad | ”
Impormasyon mula sa content na direkta mong ipinapadala sa amin kapag nakikipag-ugnayan ka sa amin o nag-uulat ka ng problema sa aming Mga Serbisyo (kabilang kung mag-uulat ka ng problema sa ibang user) | “– Para masagot ang iyong mga tanong – Para makapag-troubleshoot ng problema sa aming Mga Serbisyo | ”
Hindi kami sadya o intensyonal na nagpoproseso ng anumang sensitibong Personal na Impormasyon.
Posibleng mangolekta rin kami ng impormasyong hindi pangkalahatang nakakatukoy sa iyo ngunit puwedeng maiugnay sa iyong account. Posibleng gumamit kami ng impormasyong hindi nakakatukoy sa iyo para sa anumang pinapahintulutang layunin sa negosyo o operasyon sa ilalim ng naaangkop na batas.
4. Mula saang mga source namin kinokolekta ang Personal na Impormasyon?
Direkta Mula sa Iyo
Posibleng kolektahin namin ang Personal na Impormasyon mo kapag ibinigay mo ito sa amin nang direkta, kabilang ang mga halimbawa sa ibaba.
- Kapag binuksan mo ang aming Laro, posibleng kolektahin namin ang petsa ng iyong kapanganakan.
- Kapag gumawa ka ng account para sa aming Laro, posibleng kolektahin namin ang iyong username at email address.
- Kapag ginamit mo ang mga pampublikong function sa aming Laro o sa aming mga account sa social media (gaya ng Discord, TikTok, Twitch, Twitter, Facebook, at Instagram), posibleng kolektahin namin ang impormasyong pipiliin mong ilahad.
- Kapag nag-sign up ka para sa aming newsletter, posibleng kolektahin namin ang iyong email address.
- Kapag nakipag-ugnayan ka sa amin o nag-ulat ka ng problema sa aming mga Serbisyo, posibleng kolektahin namin ang iyong email address, pangalan at apelyido, at ang mga rekord at kopya ng iyong pakikipag-ugnayan.
- Kapag sumagot ka ng survey o questionnaire, posibleng kolektahin namin ang impormasyong ibibigay mo.
Awtomatiko Mula sa Iyo
Posibleng awtomatiko naming kolektahin ang iyong Personal na Impormasyon habang ginagamit mo ang aming Mga Serbisyo. Halimbawa, posibleng kolektahin namin ang iyong Personal na Impormasyon habang nakikipag-ugnayan ka sa aming Website o habang naglalaro ka. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa paggamit namin at ng mga third party sa mga cookies at iba pang teknolohiya sa awtomatikong pangongolekta ng datos, at ilang partikular na opsyon na iniaalok namin sa iyo kaugnay ng mga ito, pakitingnan ang Seksyon 5 sa ibaba.
Mula sa Mga Third Party
Posibleng matanggap namin ang iyong Personal na Impormasyon mula sa o sa pamamagitan ng mga third party na tumutulong sa amin na maibigay o mapangasiwaan ang iyong access sa aming Mga Serbisyo, kabilang ang mga nakalista sa ibaba.
- Mga provider ng serbisyo para sa e-commerce at merchandising gaya ng Shopify Inc.: Halimbawa, kapag bumili ka ng merchandise mula sa aming merchandise Website, posibleng matanggap namin ang iyong pangalan at apelyido, postal address, email address, numero ng telepono, kasaysayan ng pagbili, at impormasyon sa pagbabayad.
- Mga provider ng serbisyo para sa suporta sa player gaya ng Zendesk, Inc.: Halimbawa, kapag nakipag-ugnayan ka sa amin o nag-ulat ka ng problema sa aming Mga Serbisyo, posibleng kolektahin namin ang iyong email address, ID ng ticket ng suporta, at mga rekord at kopya ng iyong pakikipag-ugnayan.
- Mga digital content store at mga platform ng laro gaya ng mga pinapatakbo ng Itch Corp., Epic Games, Inc., Google LLC, Microsoft Corp., Apple Inc., Valve Corp., Sony Interactive Entertainment LLC, at Nintendo of America Inc.: Makikita sa ibaba ang mga halimbawa.
- Kapag na-link mo ang iyong account, posibleng matanggap namin ang iyong username mula sa Epic Games, Google, Microsoft, Apple, Valve, Sony, o Nintendo, at ang iyong platform ID mula sa Itch, Epic Games, Google, Microsoft, Apple, Valve, Sony, o Nintendo. Dagdag pa rito, posibleng matanggap namin ang iyong Internet Protocol address mula sa Apple at ang email address mo mula sa Itch.
- Kapag bumili ka ng in-Game na content o mga feature pagkatapos mong i-link ang iyong account, posibleng matanggap namin ang kasaysayan ng pagbili mo mula sa Itch, Epic Games, Google, Microsoft, Apple, Valve, Sony, o Nintendo. Dagdag pa rito, posibleng matanggap namin ang iyong zip code, lungsod, at estado o bansa mula sa Google.
- Kapag nagpadala ka ng mga imbitasyon sa iyong mga kaibigan para laruin ang aming Laro, posibleng matanggap namin ang iyong platform ID mula sa Itch, Epic Games, Google, Microsoft, Apple, Valve, Sony, o Nintendo.
- Kung mag-iiwan ka ng review tungkol sa aming Laro sa Microsoft Store, posibleng matanggap namin ang uri ng iyong device, username, at bansa.
- Kapag nakipag-ugnayan ka sa Google tungkol sa isang problema sa aming Laro, posibleng matanggap namin ang iyong kasaysayan ng pagbili, zip code, estado o bansa, at lungsod.
- Para maipakita ang listahan ng iyong mga kaibigan o makatanggap ng imbitasyon mula sa isang kaibigan para laruin ang aming Laro, posibleng matanggap namin ang mga username ng iyong mga kaibigan mula sa Epic Games, Google, Microsoft, Apple, Valve, Sony, o Nintendo.
- Mga partner sa serbisyo sa pagbabayad gaya ng Xsolla (USA), Inc.: Halimbawa, kapag bumili ka ng key sa pamamagitan ng https://buy.among.us/, posibleng matanggap namin ang iyong email address, hindi eksaktong geolocation, at impormasyon sa pagbabayad.
- Mga provider ng serbisyo sa backend gaya ng Epic Games, Inc.: Halimbawa, kapag gumawa ka ng account, posibleng matanggap namin ang iyong mga online at device ID mula sa Epic Games.
- Mga provider ng serbisyo sa analytics gaya ng Unity Technologies: Halimbawa, kapag na-install mo ang aming Laro, posibleng maakatanggap kami ng online ID mula sa Unity, maliban sa mga User na Bata.
- Mga provider ng serbisyo sa diagnostic gaya ng Functional Software, Inc. d/b/a Sentry: Halimbawa, kapag na-install mo ang aming Laro, posibleng makatanggap kami ng online ID mula sa Sentry, maliban sa mga User na Bata.
- Mga provider ng pamamahala sa pahintulot ng magulang at legal na tagapag-alaga gaya ng Kids Web Services: Halimbawa, kung isa kang User na Bata, posibleng matanggap namin ang iyong platform ID at petsa ng kapanganakan mula sa Kids Web Services.
- Iba pang user ng aming Laro: Kung iuulat ng isang user sa amin na lumalabag ka sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit sa pamamagitan ng paggamit ng nakakapanakit na wika sa mga pampublikong function ng aming Laro o sinusubukan mong i-hack ang aming Laro, halimbawa, posibleng kolektahin namin ang impormasyong ibibigay ng user na iyon tungkol sa iyo at gagawa kami ng ulat ng iyong mga aksyon. Kung isa kang magulang o legal na tagapag-alaga ng isang User na Bata, posibleng matanggap namin ang iyong email address mula sa iyong User na Bata.
Sinusunod namin ang Patakarang ito kapag ginagamit namin ang Personal na Impormasyon na ibinigay sa amin ng mga third party. Gayunpaman, posibleng hindi namin makontrol ang Personal na Impormasyon na kinokolekta ng mga third party o kung paano nila gagamitin ang Personal na Impormasyon na iyon. Dapat mong suriin ang mga patakaran sa privacy ng mga third party para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano nila kinokolekta, ginagamit, at ibinabahagi ang Personal na Impormasyon na nakukuha at ginagamit nila.
5. Paano namin ginagamit at ng mga third party ang cookies at iba pang teknolohiya sa awtomatikong pangongolekta ng data?
Ang cookies ay maliliit na identifier ng file ng data na inililipat sa computer o mobile web browser mo na nagbibigay-daan sa amin at sa mga third party na matukoy ang browser o mobile device at ilipat ang impormasyon tungkol sa iyo at sa paggamit mo ng aming Mga Serbisyo.
Aming Cookies at Iba pang Teknolohiya sa Awtomatikong Pangongolekta ng Data
Posibleng gumamit kami ng mga cookie at iba pang teknolohiya sa awtomatikong pangongolekta ng datos sa aming Mga Serbisyo para mangolekta ng Personal na Impormasyon, kabilang ang mga halimbawa sa ibaba.
- Kapag bumisita ka sa aming Website, posibleng mangolekta kami ng impormasyon kaugnay ng iyong interaksyon sa aming Website, kabilang ang mga page na tiningnan mo.
- Kapag gumawa ka ng account para sa aming Laro o naglaro ka, posibleng awtomatiko naming kolektahin ang iyong Internet Protocol address.
- Kapag nakipag-ugnayan ka sa amin o nag-ulat ka ng problema sa aming Mga Serbisyo, posibleng kolektahin namin ang iyong Internet Protocol address at impormasyon ng device.
- Kapag iniulat ka ng ibang user sa Laro, posibleng awtomatiko naming kolektahin ang iyong log ng chat at mga dating parusa.
Cookies at Iba pang Teknolohiya sa Awtomatikong Pangongolekta ng Data ng Third Party
Posibleng manggaling sa mga third party na nakalista sa ibaba ang cookies at iba pang teknolohiya sa awtomatikong pangongolekta ng datos sa aming Mga Serbisyo. Pinapahusay ng mga cookie at iba pang teknolohiya sa awtomatikong pangongolekta ng datos na ito ang karanasan mo sa pamamagitan ng pagtulong sa amin mas iangkop ang aming Mga Serbisyo sa iyo.
- Shopify Inc.: Posibleng gamitin namin ang Shopify, isang serbisyo para sa e-commerce na iniaalok ng Shopify Inc., isang korporasyon sa Canada, na may mga opisinang matatagpuan sa 151 O’Connor Street, Ground floor, Ottawa, Ontario, K2P 2L8. Posibleng gumamit ang Shopify ng mga teknolohiya sa awtomatikong pangongolekta ng datos para makolekta ang iyong Personal na Impormasyon sa ngalan namin para matulungan kaming mapahusay ang aming Website ng merchandise (gaya ng interaksyon mo sa aming Website ng merchandise at Internet Protocol address). Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kagawian sa pagkapribado ng Shopify, puwede mong suriin ang Patakaran sa Cookies nito.
- Unity Technologies: Bukod sa mga User na Bata, posibleng gamitin namin ang Unity Analytics, isang serbisyo sa analytics na iniaalok ng Unity Technologies SF, 30 3rd Street, San Francisco, CA 94103, at Unity Technologies Finland OY, Kaivokatu 8 B, 00100 Helsinki, Finland. Posibleng gumamit ang Unity ng mga teknolohiya sa awtomatikong pangongolekta ng datos para mangolekta ng Personal na Impormasyon nang direkta mula sa iyong device at gamitin ang Personal na Impormasyon na ito para matulungan kaming maanalisa ang paggamit mo sa aming Laro. Dapat suriin mo ang Patakaran sa Cookies ng Unity, na kinabibilangan ng mga tagubilin sa kung paano mapaghihigpitan ang pangongolekta ng iyong Personal na Impormasyon (gaya ng iyong kasaysayan ng pagbili, Internet Protocol address, datos sa hindi eksaktong geolocation, at ilang partikular na impormasyon sa paglalaro).
- Functional Software, Inc. d/b/a Sentry: Bukod sa mga User na Bata, posibleng gamitin namin ang Sentry, isang serbisyo sa diagnostics na iniaalok ng Functional Software, Inc. d/b/a Sentry. Posibleng gumamit ang Sentry ng mga teknolohiya sa awtomatikong pangongolekta ng datos para makolekta ang iyong Personal na Impormasyon sa ngalan namin para matulungan kaming mapahusay ang aming Laro (gaya ng iyong Internet Protocol address, impormasyon ng device, kasaysayan ng pagbili, at impormasyon sa paglalaro). Para sa higit pang impormasyon tunkgol sa mga kagawian sa pagkapribado ng Sentry, puwede mong suriin ang Patakaran sa Pagkapribado nito.
- Xsolla (USA), Inc.: Posibleng gamitin namin ang Xsolla, isang serbisyo sa pagbabayad na iniaalok ng Xsolla (USA), Inc. Posibleng gumamit ang Xsolla ng cookies para makolekta ang iyong Personal na Impormasyon sa ngalan namin para matulungan kami kaugnay ng mga pagbili ng key para sa aming Laro (gaya ng iyong Internet Protocol address). Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga kagawian sa pagkapribado ng Xsolla, puwede mong tingnan ang Patakaran sa Cookies nito.
Mga Opsyon Tungkol sa Cookies
Puwede mong i-set ang browser mo na tanggihan ang lahat ng o ilang cookies ng browser o alertuhan ka kapag nagpapadala ng cookies. Pakitandaang kung idi-disable o tatanggihan mo ang cookies o iba pang teknolohiya sa awtomatikong pangongolekta ng datos, posibleng hindi ma-access o hindi gumana nang maayos ang ilang aspeto ng aming Mga Serbisyo.
6. Para sa anong mga layunin namin kinokolekta ang Personal na Impormasyon mo?
Bilang karagdagan sa mga layuning inilalarawan sa itaas, posibleng kolektahin namin ang Personal na Impormasyon mo para sa mga layunin sa ibaba.
- Para maibigay o mapahusay ang aming Mga Serbisyo: Posibleng gamitin namin ang Personal na Impormasyon mo para maproseso ang mga hiling mo na i-access ang aming Mga Serbisyo at ang ilang partikular na feature ng mga ito, at ipakita at pahusayin ang aming Mga Serbisyo sa pangkalahatan. Halimbawa, posibleng gamitin namin ang Personal na Impormasyon mo para mapahusay ang aming Laro.
- Para mapangasiwaan ang aming Mga Serbisyo: Posibleng gamitin namin ang Personal na Impormasyon mo para sa anumang legal na layunin sa negosyo o pagpapatakbo kaugnay ng pangangasiwa sa aming Mga Serbisyo. Halimbawa, kung makikipag-ugnayan ka sa amin, posibleng gamitin namin ang Personal na Impormasyon mo para sagutin ka o ma-troubleshoot ang problemang iniulat mong nararanasan mo sa Mga Serbisyo namin.
- Para mai-market ang aming Mga Serbisyo: Posibleng gamitin namin ang Personal na Impormasyon mo para i-market ang aming Mga Serbisyo sa iyo. Halimbawa, nang mayroong pauna mong pahintulot, posibleng magpadala kami sa iyo ng mga balita at update tungkol sa aming mga produkto at Mga Serbisyo namin.
- Sa pagpapatuloy ng mga legal at pangkaligtasang layunin: Posible naming i-access, gamitin, at ibahagi sa iba ang Personal na Impormasyon mo para sa mga layuning pangkaligtasan at para sa iba pang bagay na mahalaga para sa pampublikong interes. Posibleng magbigay din kami ng access sa Personal na Impormasyon mo para makatulong sa mga opisyal na imbestigasyon o legal na paglilitis (hal., bilang pagtugon sa mga subpoena, search warrant, utos ng hukuman, o iba pang legal na proseso). Posibleng magbigay din kami ng access sa Personal na Impormasyon mo para maprotektahan ang aming mga karapatan at pag-aari at ng aming mga ahente, user, at iba pa, para ipatupad ang aming mga kasunduan, patakaran, at aming Mga Tuntunin ng Paggamit. Halimbawa, posibleng gamitin namin ang Personal na Impormasyon mo para sumagot sa mga hindi naaangkop o iniulat na pag-uugali sa Laro at para magpatupad ng mga pag-ban ng user para sa aming Laro.
- Kaugnay ng sale o iba pang paglilipat ng aming negosyo: Kung sakaling maibenta, italaga, o ilipat sa o makuha ng ibang kumpanya ang lahat o ilan sa aming mga asset dahil sa pagbebenta, divestiture, restructuring, reorganization, dissolution, financing, pagkalugi, o iba pang bagay, posibleng kasama ang Personal na Impormasyon mo sa mga ililipat na asset.
- Gaya ng inilalarawan namin sa iyo kapag kinokolekta ang Personal na Impormasyon mo: Posibleng may iba pang mangyari kapag kinolekta namin ang Personal na Impormasyon mo at kasabay nito ay ilarawan ang layunin para sa pangongolektang iyon.
Legal na Batayan
Kokolektahin, gagamitin, o iso-store lang namin ang Personal na Impormasyon mo para sa legal na batayan gaya ng:
- boluntaryo mo itong ibibigay sa amin nang mayroong partikular, may-kabatiran, at malinaw na pahintulot (halimbawa, kapag nag-sign up ka para sa aming newsletter);
- kinakailangang ibigay sa iyo ang Serbisyong hiniling mo (halimbawa, pagbibigay sa iyo ng access sa aming Laro);
- mayroon kaming lehitimong pangnegosyong interes na hindi nasasapawan ng mga karapatan mo sa pagkapribado (halimbawa, para masagot ang mga tanong mo); o
- kinakailangang protektahan ang mga pangunahing interes mo o pangunahing interes ng iba (halimbawa, kung saan kinakailangang lutasin ang isang agarang medikal na sitwasyon o protektahan ang kalusugan o kaligtasan ng isa sa aming mga user o ng iba pa).
7. Sa anong mga sitwasyon namin idi-disclose ang Personal na Impormasyon mo?
Posibleng ihayag namin ang iyong Personal na Impormasyon sa isang third party, gaya ng isang provider ng serbisyo o contractor para sa layuning pangnegosyo o para sa pagpapatakbo, o nang may pahintulot mo. Kapag naglalahad kami ng Personal na Impormasyon para sa isang layuning pangnegosyo o para sa pagpapatakbo, pumapasok kami sa isang kontrata kasama ng provider ng serbisyo o contractor na naglalarawan sa layunin at inaatasan nito ang provider ng serbisyo o contractor na panatilihing kumpidensyal ang Personal na Impormasyon na iyon at huwag itong gamitin para sa anuamang layunin maliban para sa pagsasagawa ng kontrata. Kabilang sa mga provider ng serbisyo at contractor na ito ang aming:
- mga provider ng serbisyo sa backend gaya ng Epic Games, Inc.;
- mga provider ng serbisyo para sa e-commerce at merchandising gaya ng Shopify Inc., Dual Wield Studio LLC, at Penny Arcade, Inc.;
- mga provider sa pangangasiwa ng pahintulot ng magulang at legal na tagapag-alaga gaya ng Kids Web Services; at
- mga provider ng serbisyo para sa suporta sa player at pag-moderate gaya ng Keywords Studios Plc at ModSquad, Inc.
Posibleng i-disclose namin ang Personal na Impormasyon mo:
- sa aming mga subsidiary at affiliate;
- sa aming mga abugado, consultant, accountant, tagapayo sa negosyo, at katulad na third party na may pananagutan sa aming magpanatili ng kumpidensyalidad;
- sa isang mamimili o iba pang tagapagmana kung sakaling may mangyaring pagbebenta, pagsasanaib, pagbebenta ng subsidiyaryo, pagbabago ng istruktura, pagbabago ng organisasyon, pagsasara, o iba pang paglilipat sa ilan sa o lahat ng aming pagmamay-ari, bilang isang kasalukuyang alalahin man o bahagi ng pagkalugi, liquidation, o katulad na pamamaraan, kung saan kasama sa mga pagmamay-ari na ililipat ang hawak naming Personal na Impormasyon na tumutukoy sa mga user ng aming Mga Serbisyo;
- para makasunod sa anumang utos ng hukuman, batas, o legal na proseso, gaya ng pagtugon sa hiling ng pamahalaan o para sa pangangasiwa;
- para ipatupad ang anumang kontratang may bisa at napagkasunduan natin;
- kung sa tingin namin ay kailangan o naaangkop ang paglalahad para maprotektahan ang mga karapatan, pag-aari, o kaligtasan namin, ng aming mga user, o ng iba; at
- kung pinahintulutan mo ang naturang paglalahad.
Hindi namin ibinebenta, pinaparenta, o ibinabahagi ang iyong Personal na Impormasyon para sa mga layunin ng cross contextual behavioral o naka-target na pag-advertise, naka-automate na pagpapasya, o pag-profile.
8. Paano pinoprotektahan ang Personal na Impormasyon ko?
Aming Mga Patakaran sa Pagpapanatili, Limitasyon sa Layunin, at Seguridad
Pinoprotektahan namin ang Personal na Impormasyon mo sa pamamagitan ng pinagsama-samang mga patakaran sa pangongolekta, seguridad, at pagpapanatili.
- Limitadong pagpapanatili: Pinapanatili lang namin ang bawat kategorya ng Personal na Impormasyon hangga’t kailangan para maisagawa ang mga layunin kung bakit ibinigay sa amin ang Personal na Impormasyon o, kung mas matagal, para makasunod sa anumang legal na obligasyon, para maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan, at para magpatupad ng mga kontrata. Halimbawa, posibleng magpanatili kami ng Personal na Impormasyon na nakolekta tungkol sa iyo para maiwasan ang mga paulit-ulit na paglabag o pinaghihinalaang paglabag sa aming Mga Tuntunin ng Paggamit kung na-ban ang iyong account o kung na-disable ang iyong access sa aming Mga Serbisyo para sa anumang dahilan. Para matukoy ang angkop na panahon ng pagpapanatili para sa Personal na Impormasyon, isinasaalang-alang namin ang halaga, katangian, at pagiging sensitibo ng Personal na Impormasyon, ang potensyal na panganib ng pinsala mula sa hindi awtorisadong paggamit o paglahad ng Personal na Impormasyon, ang mga layunin kung bakit namin pinoproseso ang Personal na Impormasyon at kung makakamit ba namin ang mga layuning iyon sa pamamagitan ng ibang pamamaraan, at ang mga nalalapat na legal na kinakailangan. Halimbawa, nang napapailalim sa mga kakatapos lang na pagsasaalang-alang, patakaran naming burahin ang iyong Personal na Impormasyon kung hindi na namin papatakbuhin ang aming Laro o ang feature na pinagkunan ng Personal na Impormasyon.
- Limitasyon ng layunin: Gagamitin lang namin ang iyong Personal na Impormasyon para sa Mga Serbisyo naming pipiliin mong i-access at para sa mga layuning inabiso sa iyo, maliban na lang kung makukuha namin ang iyong pahintulot. Nililimitahan namin ang pangongolekta ng Personal na Impormasyon sa kung ano ang sapat, nauugnay, at makatuwirang kinakailangan para sa mga layuning iyon.
- Mga panseguridad na hakbang: Gumagamit kami ng mga makatuwirang panseguridad na hakbang para matiyak ang pagkakaroon ng antas ng seguridad na naaangkop sa dami at katangian ng Personal na Impormasyon na pinoproseso at kaugnay na panganib, nang may pagsasaalang-alang sa laki, saklaw, at uri ng aming negosyo, at nagpatupad kami ng mga kontraktuwal, teknikal, pang-administratibo, at pisikal na panseguridad na hakbang na idinisenyo para maprotektahan ang iyong Personal na Impormasyon mula sa hindi awtorisadong pag-access, paglahad, paggamit, at pagmodipika, kabilang ang pag-encrypt na naayon sa pamantayan ng industriya para sa pag-transmit ng Personal na Impormasyon (hal., DTLS, TLS 1.2+, HTTPS) at mga paraan ng pag-hash na naaayon sa pamantayan ng industriya para sa pagpapanatili ng Personal na Impormasyon (hal., SHA256+Salt). Bilang bahagi ng aming mga proseso sa pagsunod sa pagkapribado, tuloy-tuloy naming sinusuri ang mga pamamaraan sa seguridad na ito para maisaalang-alang ang bagong teknolohiya at mga pamamaraan kung kinakailangan. Gayunpaman, pakiunawang hindi ginagarantiya ng aming pagpapatupad sa mga panseguridad na hakbang gaya ng inilalarawan sa Patakarang ito ang seguridad ng Personal na Impormasyon mo. Kung sakali mang magkaroon ng paglabag sa seguridad, aabisuhan namin ang mga naaangkop na awtoridad sa regulasyon at ang sinumang apektadong user tungkol sa paglabag sa loob ng 72 oras pagkatapos naming mapag-alaman ang tungkol sa paglabag sa sukdulang iniaatas ng naaangkop na batas.
Iyong Mga Kagawian at Aktibidad
Napakahalaga rin ng iyong mga kagawian at aktibidad para sa proteksyon ng iyong Personal na Impormasyon. Dapat kang magsagawa ng ilang partikular na hakbang para makatulong na maprotektahan ang iyong Personal na Impormasyon, gaya ng pagiging maingat sa kung ano ang ibinabahagi mo sa aming Laro, kabilang ang mga nasa ibaba.
- Huwag gamitin ang tunay mong pangalan kapag pumipili ng username.
- Huwag ibahagi ang iyong tunay na pangalan o anumang pribadong bagay tungkol sa iyong sarili o sa sinupaman sa iba pang user sa aming Laro.
- Huwag pumili ng password na madaling hulaan at huwag ibahagi ang password mo.
Pakitandaang wala kaming kontrol sa puwedeng gawin ng iba pang user sa nilalaman ng iyong mga pakikipag-ugnayan at wala kaming responsibilidad o obligasyon kaugnay ng iba pang user.
9. Paano namin tatratuhin ang Personal na Impormasyon na inilipat sa United States?
Lugar ng Negosyo
Posibleng i-store o iproseso namin ang Personal na Impormasyon mo sa labas ng bansa kung saan kinolekta ang impormasyon o sa bansa kung saan ka nakatira. Sa United States ang aming pangunahing lugar ng negosyo. Dapat mong maunawaang posibleng ilipat namin ang ilan o lahat ng Personal na Impormasyon mo sa United States para isagawa ang ilang partikular na kinakailangan sa pagpapatakbo at pagpoproseso gaya ng inilalarawan sa Patakarang ito.
Mga Mekanismo sa Paglilipat
Kapag naglilipat ng Personal na Impormasyon palabas ng ibang bansa, nagpapatupad kami ng mga teknikal, pang-organisasyon, at pisikal na pag-iingat para maprotektahan ang Personal na Impormasyon mo. Ginagamit namin ang mga pamantayang sugnay sa kontrata na inaprubahan ng European Commission at ipinapatupad namin ang mga nauugnay na hakbang kung saan iniaatas ng naaangkop na batas. Makipag-ugnayan sa amin kung may mga tanong ka tungkol sa nauugnay na mekanismo sa paglilipat para sa Personal na Impormasyon mo.
10. Anong mga karapatan ang mayroon ka sa Personal na Impormasyon mo?
Karapatan sa Pag-access, Pagwawasto, Pag-delete, o Paghihigpit sa Pagpoproseso
Nang napapailalim sa anumang limitasyon at pagbubukod sa ilalim ng naaangkop na batas, may karapatan kang humiling ng access sa Personal na Impormasyon mo at gamitin ang mga karapatan sa ibaba.
- Karapatan mong itama o i-update ang ilang partikular na uri ng Personal na Impormasyon. Kadalasan, pwede mong suriin o i-update ang impormasyon ng account mo sa pamamagitan ng pag-access sa account mo online.
- May karapatan kang hilingin na burahin ang Personal na Impormasyon mo. Kung pipiliin mong ipaalis ang Personal na Impormasyon mo sa aming Mga Serbisyo, isasagawa namin ang hiling mo sa loob ng 30 araw pagkatapos ng pagberipika ng account, na puwedeng ma-extend, at ilan lang sa Personal na Impormasyon mo ang papanatilihin namin para maidokumento ang hiling mo at ang mga pagkilos na ginawa namin para maisagawa ang hiling mo.
- Karapatan mong paghigpitan ang partikular na pagpoproseso ng Personal na Impormasyon mo at karapatan mong tutulan ang ilang uri ng pagpoproseso ng Personal na Impormasyon mo.
- May karapatan kang bawiin ang iyong pahintulot anumang oras.
- May karapatan kang maghain ng reklamo kaugnay ng aming pangongolekta, pag-store, o pagproseso sa Personal na Impormasyon mo sa awtoridad sa pangangasiwa sa pagprotekta ng datos sa bansa kung saan ka nakatira o nagtatrabaho.
Susundin namin ang mga hiling mo alinsunod sa, at nang napapailalim sa, naaangkop na batas. Halimbawa, hindi namin kailangang burahin ang Personal na Impormasyon mo kung may nananaig kaming lehitimong batayan para panatilihin ang impormasyong iyon, gaya ng pag-iwas sa panloloko. Pakitandaang pinagbabawalan kami ng batas na isagawa ang mga hinihiling na pagkilos sa ilang pagkakataon, kabilang ang (1) kapag hindi namin makumpirma ang pagkakakilanlan mo o (2) kapag makakaapekto ang paggawa dito nang masama sa mga karapatan o kalayaan ng iba pang indibidwal. Hindi rin namin kailangang isagawa ang hinihiling na pagkilos sa ilang pagkakataon, kabilang kung saan itinuturing na labis-labis ang hiling.
Narito Kami para Tumulong
Mag-email sa amin sa [email protected] gamit ang subject line na “Hiling sa Pagkapribado” o i-mail ang iyong hiling sa Innersloth LLC, PO Box 2532, Redmond, WA 98073, USA kung gusto mong gamitin ang alinman sa mga karapatang inilarawan sa itaas o kung may mga tanong ka tungkol sa iyong mga karapatan.
11. Karagdagang Abiso para sa Mga Residente ng California, Colorado, Connecticut, Utah, at Virginia
California Online Privacy Protection Act
Nalalapat ang sumusunod sa mga residente ng California:
- Hindi namin tina-track ang mga user ng aming Mga Serbisyo sa paglipas ng panahon at sa mga website o online na serbisyo ng third party at dahil dito, hindi kami tumutugon sa mga signal na Huwag I-track. Wala kaming alam na third party na nagta-track ng mga user ng aming Mga Serbisyo sa paglipas ng panahon at sa mga website o online na serbisyo ng third party. Pakitandaan na ang Huwag I-track ay ibang mekanismo sa pagkapribado kumpara sa Pandaigdigang Kontrol sa Pagkapribado, isang legal na kinikilalang kontrol na nakabatay sa browser na nagsasaad kung gusto mong mag-opt out sa pagproseso ng iyong Personal na Impormasyon para sa ilang partikular na layunin.
Batas na Shine the Light ng California
Nalalapat ang sumusunod sa mga residente ng California:
- Puwedeng humiling ng impormasyon ang mga residente ng California mula sa amin kaugnay ng anumang paglahad ng Personal na Impormasyon na posibleng isinagawa namin sa nakalipas na taon sa kalendaryo sa mga third party para sa mga layunin ng direct marketing. Kung isa kang residente ng California at gusto mong hilinhin ang impormasyon tungkol sa pagsunod namin sa batas na ito o sa aming mga kagawian sa pagkapribado, mag-email sa amin sa [email protected] gamit ang subject line na “California Shine the Light Law” o i-mail ang iyong hiling sa Innersloth LLC, PO Box 2532, Redmond, WA 98073, USA.
Mga Batas sa Pagkapribado ng Estado
Nalalapat ang mga sumusunod sa mga residente ng California, Colorado, Connecticut, Utah, at Virginia (kung sakali mang magkaroon ng salungatan sa pagitan ng Seksyon 11 na ito at ng anupamang seksyon sa Patakarang ito, mananaig ang Seksyon 11 na ito):
- Karapatan sa Pag-alam at Pag-access: May karapatan kang hilingin na ilahad namin sa iyo ang ilang partikular na impormasyon tungkol sa aming pangongolekta at paggamit sa Personal na Impormasyon mo. Kapag natanggap at nakumpirma na namin ang nabeberipikang hiling mo bilang consumer, ilalahad namin sa iyo ang mga sumusunod, basta’t mayroon kami ng mga ito:
- ang mga kategorya ng Personal na Impormasyon na kinolekta namin tungkol sa iyo;
- ang mga kategorya ng mga source para sa Personal na Impormasyon na kinolekta namin tungkol sa iyo;
- ang aming layunin sa negosyo o komersyo para sa pangongolekta, pagbebenta, o pagbabahagi sa Personal na Impormasyon na iyon;
- ang mga kategorya ng mga third party kung kanino namin inilalahad ang Personal na Impormasyon na iyon;
- ang mga partikular na Personal na Impormasyon na kinolekta namin tungkol sa iyo (na tinatawag ding hiling sa portability ng datos); at
- kung naibenta o naibahagi namin ang Personal na Impormasyon mo, ang dalawang magkahiwalay na listahang naglalahad sa (1) mga pagbebenta na tumutukoy sa bawat kategorya sa mga kategorya ng Personal na Impormasyon na binili ng tatanggap, at (2) mga paglahad para sa isang layunin sa negosyo o pagpapatakbo na tumutukoy sa bawat kategorya sa mga kategorya ng Personal na Impormasyon na nakuha ng tatanggap.
- Karapatan sa Pagbura: May karapatan kang hilingin na burahin namin ang alinmang Personal na Impormasyon mong kinolekta namin mula sa iyo at pinanatili namin, nang napapailalim sa ilang partikular na pagbubukod. Kapag natanggap at nakumpirma na namin ang nabeberipikang hiling mo bilang consumer, buburahin na namin (at uutusan namin ang mga provider ng serbisyo at contractor namin na burahin) ang Personal na Impormasyon mo sa aming mga talaan, maliban kung may nalalapat na pagbubukod sa ilalim ng mga naaangkop na batas. Posibleng tanggihan namin ang iyong hiling sa pagbura kung kinakailangan ang pagpapanatili sa impormasyon para maisagawa namin o ng aming mga provider ng serbisyo o contractor ang mga sumusunod:
- makumpleto ang transaksyon kung para saan namin kinolekta ang Personal na Impormasyon, maisagawa ang mga tuntunin ng isang nakasulat na warranty o pag-recall ng produkto na isinagawa alinsunod sa pederal na batas, maibigay ang Mga Serbisyo namin na hinilihiling mo, makapagsagawa ng mga pagkilos na makatuwirang inaasahan sa loob ng konteksto ng aming patuloy na ugnayan sa negosyo sa iyo, o kung hindi man, para maipatupad ang kontrata namin sa iyo;
- makatulong na matiyak ang seguridad at integridad ng aming Mga Serbisyo hanggang sa sukdulang ang paggamit ng iyong Personal na Impormasyon ay makatuwirang kinakailangan at nauugnay sa mga layuning iyon;
- i-debug ang aming Mga Serbisyo para makatukoy at maayos ng mga error na nakakaapekto sa mga kasalukuyang nilalayong functionality;
- malayang makapagbigay ng opinyon, matiyak ang karapatan ng ibang user na magamit ang kanyang mga karapatan sa malayang pagbibigay ng opinyon, o magamit ang ibang karapatan na ibinibigay ng batas;
- makasunod sa California Electronic Communications Privacy Act;
- sumali sa mga pampubliko o peer-reviewed na siyentipiko, historikal, o istatistikal na pananaliksik na mahalaga para sa pampublikong interes na sumusunod sa lahat ng iba pang naaangkop na etika at batas sa pagkapribado, kapag ang pagbura ng Personal na Impormasyon ay posibleng magdulot ng pagiging imposible ng o malubhang makaapekto sa tagumpay ng pananaliksik, kung dati kang nagbigay ng pahintulot;
- mabigyang-daan ang mga internal na paggamit lang na makatuwirang naaayon sa mga inaasahan ng user batay sa ugnayan mo sa amin at compatible sa konteksto kung para saan mo ibinigay ang Personal na Impormasyon; o
- makasunod sa legal na obligasyon.
- Karapatan sa Pagwawasto: May karapatan kang hilingin na iwasto namin ang hindi tumpak na Personal na Impormasyon. Kapag natanggap at nakumpirma na namin ang iyong nabeberipikang hiling ng consumer, gagawa kami ng mga pagsisikap na makatuwiran sa komersyo para maiwasto ang hindi tumpak na Personal na Impormasyon, nang isinasaalang-alang ang katangian ng Personal na Impormasyon at ang mga layunin ng pagproseso ng Personal na Impormasyon.
Walang Diskriminasyon
Hindi ka namin ididiskrimina dahil sa paggamit mo ng alinman sa iyong mga karapatan sa pagkapribado sa ilalim ng nalalapat na batas. Maliban na lang kung pinapahintulutan ng nalalapat na batas, hindi namin gagawin ang mga sumusunod:
- pagkaitan ka ng aming Mga Serbisyo;
- singilin ka ng magkakaibang presyo o rate para sa aming Mga Serbisyo, kabilang na sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga diskwento o iba pang benepisyo, o pagpapataw ng mga parusa;
- bigyan ka ng ibang antas o kalidad ng aming Mga Serbisyo; o
- sabihan kang posibleng makatanggap ka ng ibang presyo o rate para sa aming Mga Serbisyo o ibang antas o kalidad ng aming Mga Serbisyo.
Mga Nabeberipikang Hiling ng Consumer
Para magamit ang iyong mga karapatan na inilarawan sa itaas, mag-email sa amin sa [email protected] gamit ang subject line na “Mga Karapatan sa Pagkapribado ng Estado” o iliham ang iyong hiling sa Innersloth LLC, PO Box 2532, Redmond, WA 98073, USA. Ikaw lang, o ang isang taong pinapahintulutan ng batas na kumilos sa ngalan mo, ang puwedeng gumawa ng nabeberipikang hiling ng consumer kaugnay ng Personal na Impormasyon mo. Ang nabeberipikang hiling ng consumer ay dapat:
- mayroong sapat na impormasyong nagbibigay-daan sa aming makatuwirang maberipika na tungkol sa iyo ang Personal na Impormasyon na kinokolekta namin o isa kang awtorisadong kinatawan; at
- naglalarawan sa hiling mo nang may sapat na detalyeng nagbibigay-daan sa aming maayos na maunawaan, masuri, at masagot ito.
Hindi namin magagawang sagutin ang hiling mo o bigyan ka ng Personal na Impormasyon kung hindi namin mabeberipika ang pagkakakilanlan o pahintulot mong gawin ang hiling at kumpirmahing nauugnay sa iyo ang Personal na Impormasyon. Gagamitin lang namin ang Personal na Impormasyon na ibinigay sa isang nabeberipikang hiling ng consumer para maberipika ang iyong pagkakakilanlan o pahintulot na gawin ang hiling.
Bilis at Format ng Pagsagot
Sinisikap naming sagutin ang nabeberipikang hiling ng consumer sa loob ng 45 araw pagkatapos itong matanggap. Kung kailangan namin ng higit pang oras, sasabihin namin sa iyo ang dahilan at haba ng extension sa pamamagitan ng sulat. Kung may account ka sa amin, ihahatid namin ang aming nakasulat na sagot sa account na iyon. Kung wala kang account sa amin, ikaw ang pipili kung ihahatid namin ang aming nakasulat na sagot sa pamamagitan ng mail o elektronikong paraan.
Masasaklawan lang ng anumang paglahad na aming ibibigay ang paunang 12 buwan bago natanggap ang nabeberipikang hiling ng consumer, maliban na lang kung hihiling ka ng mas mahabang panahon para sa Personal na Impormasyon na kinolekta namin tungkol sa iyo pagkalipas ng Enero 1, 2022. Ipapaliwanag din sa sagot na aming ibibigay ang mga dahilan kung bakit hindi namin masunod ang hiling, kung naaangkop.
Para mag-apela ng desisyon kaugnay ng iyong nabeberipikang hiling ng consumer, isumite ang iyong apela gamit ang isa sa dalawang paraan sa itaas. Dapat may kasamang paliwanag ang iyong apela kaugnay ng dahilan kung bakit hindi ka sumasang-ayon sa aming desisyon. Sa loob ng 60 araw pagkatapos matanggap ang isang apela, aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng sulat tungkol sa anumang pagkilos na isinagawa o hindi isinagawa bilang tugon sa apela, kabilang na ang isang nakasulat na paliwanag ng mga dahilan para sa mga desisyon.
Para sa mga hiling sa portability ng datos, pipili kami ng format para ibigay ang Personal na Impormasyon mo na handa nang magamit, madaling maunawaan, at bibigyang-daan kang ipadala ang impormasyon sa pagitan ng dalawang entity nang walang hirap.
Hindi kami naniningil ng fee para iproseso o sagutin nag nave-verify na request ng consumer mo maliban kung ito ay labis-labis, umuulit, o malinaw na walang batayan. Kung matutukoy naming kailangang singilin ng fee ang request, sasabihin namin sa iyo kung bakit ganoon ang aming napagpasyahan at bibigyan ka namin ng pagtatantiya sa gastusin bago kumpletuhin ang request mo.
12. Paano ka namin aabisuhan tungkol sa mga pagbabago sa Patakarang ito?
Nakalaan sa amin ang karapatang baguhin ang Patakarang ito paminsan-minsan nang sumusunod sa naaangkop na batas. Kung babaguhin namin ang Patakarang ito, aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng pagbabago sa petsa sa itaas ng Patakarang ito, at bibigyan ka namin ng karagdagang abiso gaya ng abiso sa Laro o notipikasyon sa email.
Kung sakaling makaapekto sa Mga User na Bata ang anumang pagbabagong gagawin namin sa Patakarang ito sa paraang nangangailangan ng paunang pahintulot ng magulang sa ilalim ng COPPA, kukunin namin ang naturang paunang pahintulot ng magulang.
13. Paano mo kami makakaugnayan?
Kung mayroon kang mga tanong, puwede mo kaming i-email sa [email protected] o i-mail ang iyong mga tanong sa Innersloth LLC, PO Box 2532, Redmond, WA 98073, USA.
Kung isa kang ahensya sa pagpapatupad ng batas, paki-email kami sa [email protected] kasama ng iyong hiling para sa Personal na Impormasyon gamit ang subject line na “Hiling ng Tagapagpatupad ng Batas” o i-mail ang iyong hiling sa Innersloth LLC, PO Box 2532, Redmond, WA 98073, USA.